Thursday, April 27, 2006

Smart Wifi Installation

Nagbayad na kami sa smart wireless center para makapag pakabit ng smart wifi, within 3 days daw eh pupunta sila sa bahay... After 1 week dumating na yung magkakabit, nakasakay sa scooter. ANO!? SCOOTER! amf! Nasan ladder nyo? Nasa bulsa nyo? Pambihira! Eh wala kaming lader sa bahay, e di nag-ala spider man sila sa pag akyat sa matarik na bubong namin para maitayo yung antena. Pagkatapos nun, sinunod naman nilang i-configure yung computer ko para maka-connect sa internet... After 1 hour... ayaw pa din, paikot ikot na ata yung ginagawa nila eh. Kaya ito na lang ginawa nila noong hindi nila mapagana...

1. Refresh... refresh, refresh, refresh, change video settings...

Anong ginagawa mo!?

2. "Sir, disable po natin yung mga anti-virus at firewall nyo para mapagana yung net"

Disable din kita!

3. "Ilan video memory ng pc nyo sir?"

Para san?

Pinaka nakakainis... Noong wala na talaga sila magawa... at naubos na ang options nila

4. "Reformat na lng natin sir may virus ata"

amf! format ko mukha mo eh...

E di ayun sumuko na at umuwi na sila kasi 10pm na ng gabi at sabi pa e magpapadala na lng daw kinabuksan ng mas henyo sa computer.... Pero di na ako umasa na may dadating kinabukasan, himala yon! Lumipas na ang isang linggo at nagsilbing design na lang sa bubong ng bahay namin yung canopy nila.

Ayun sa wakas may dumating din na mag-aayos ng internet. Wow! may dalang truck! Hanep! Asenso! haha! E di ayun na inayos na nila, wala pa atang 30 mins tapos na. Sabi sa akin noong technical personnel na pumunta, "Sir, mali po yung ip address na nilagay nila kaya ayaw gumana, mali yung computation. Ano po itsura nung pumunta?" Ngeeee! Yari kaa! Aahahahaha!