Wednesday, June 14, 2006

The REAL Canlubang Life

Matapos magalit ng tatay ko sa akin dahil sa new improved traffic scheme ng school namin....

Pumasok ako sa may basement entrance sa east side. Malapit sa room ng mga IS kids. Normally, dapat dumaan ka sa labas para makapunta ka ng stair/elevator at bawal kang dumaan sa corridor kasi nagkaklase ang mga IS kids... Simula noong dumating ang mga IS kids this year naglalagay na sila ng mga monoblock tables and chairs sa DAANAN papunta sa stairs/elevator. E di syempre di ako doon dadaan, wala ka namang dadaanan eh nakahara dun yung mga lamesa eh. Kaya ginawa ko dumaan ako sa corridor na wala masyadong IS kids. Eh may guard dun, e di syempre sinita ako ni kuya guard sabi sa akin sa susunod dun ako dumaan sa labas. Pambihira paano ako makakadaan dun eh nakabalandra yung mga lamesa nila dun at upuan. Naasar na ko, sabi ko sa guard, "Eh nakahara yung mga lamesa at upuan nyo dyan eh?! daanan pa ba yan?". Sabi nung guard, ganyan daw talaga eh! Pambihira ang gulo ng sistema nyo!

Singit ko na din ito, di ba may rule na "College students are not allowed to walk through IS corridors". Pambihira! Paano kung pupunta ka ng library, laborator, faculty room? Bababa ka pa sa basement tapos aakyat ka pa? Or di kaya aakyat ka pa tsaka ka baba? Ano ba yan?

About the elevator naman...

Paglalaruan ng IS kids yung elevator, college ang pagbibintangang naglaro...

Magkakalat sa elevator, college pagbibintangang nagkalat...

May mga drawing na stick man sa elevator, college ang nag-drowing!

Nakakainis pa lalo!

Sasakay ka galing sa basement tpos makikita mo bago sila lumabas pipindutin ng isang IS kid ang letters B and G and number 2, 3 and 4 at babayooo! Field trip na!

School Traffic @#$%!


You have to go around the school just to reach the parking lot... Nice! Canlubang is starting to become like EDSA... yeehaw!

Saturday, May 20, 2006

Bahala na nga!

Summer vacation is over! Back to the classrooms! And this year... I'm a junior and a President. Ouch! I hope that I would be able to perform well to fulfill my responsibilities. Maybe, I should start recalling things that I've been doing previously in Highschool. When I was still in Highschool, I am assigned as the logistics chairman of the student council. I am in-charge on the man power, equipments, technical blah blah of the student council. Well, I hope I can still apply things I've learned there. Honestly, I'm afraid that I might not be able to do things correctly and cause trouble. Maybe I should stop thinking negatively... Bahala na! wahahahah!

Friday, May 19, 2006

Misused hardware! lol!


I've seen a lot of burned ,misused and abused computer hardwares but this is the best one I found! lol:

"Hello, I bought some RIMM here yesterday, and it didn't fit in my mainboard. I cut out the correct nodges, but then I discovered that the RIMM's don't work. Can I exchange these against some working RIMM's...."

Picture taken from this site...




Thursday, April 27, 2006

Smart Wifi Installation

Nagbayad na kami sa smart wireless center para makapag pakabit ng smart wifi, within 3 days daw eh pupunta sila sa bahay... After 1 week dumating na yung magkakabit, nakasakay sa scooter. ANO!? SCOOTER! amf! Nasan ladder nyo? Nasa bulsa nyo? Pambihira! Eh wala kaming lader sa bahay, e di nag-ala spider man sila sa pag akyat sa matarik na bubong namin para maitayo yung antena. Pagkatapos nun, sinunod naman nilang i-configure yung computer ko para maka-connect sa internet... After 1 hour... ayaw pa din, paikot ikot na ata yung ginagawa nila eh. Kaya ito na lang ginawa nila noong hindi nila mapagana...

1. Refresh... refresh, refresh, refresh, change video settings...

Anong ginagawa mo!?

2. "Sir, disable po natin yung mga anti-virus at firewall nyo para mapagana yung net"

Disable din kita!

3. "Ilan video memory ng pc nyo sir?"

Para san?

Pinaka nakakainis... Noong wala na talaga sila magawa... at naubos na ang options nila

4. "Reformat na lng natin sir may virus ata"

amf! format ko mukha mo eh...

E di ayun sumuko na at umuwi na sila kasi 10pm na ng gabi at sabi pa e magpapadala na lng daw kinabuksan ng mas henyo sa computer.... Pero di na ako umasa na may dadating kinabukasan, himala yon! Lumipas na ang isang linggo at nagsilbing design na lang sa bubong ng bahay namin yung canopy nila.

Ayun sa wakas may dumating din na mag-aayos ng internet. Wow! may dalang truck! Hanep! Asenso! haha! E di ayun na inayos na nila, wala pa atang 30 mins tapos na. Sabi sa akin noong technical personnel na pumunta, "Sir, mali po yung ip address na nilagay nila kaya ayaw gumana, mali yung computation. Ano po itsura nung pumunta?" Ngeeee! Yari kaa! Aahahahaha!