Para sa akin maganda ang mensahe na nais ipahiwatig sa atin ng istoryang "The Mats" ni Francisco Arcellana. Kung ating iisipin napakasimple lang ng istorya ngunit marami itong laman. Maraming mga pangyayari ang sumasalamin sa mga kaugaliang pinoy na umiiral pa din hanggang ngayon tulad ng isang ama na kada-uwi nya ay nagdidiwang ang buong pamilya. Pinakikita dito ang kaugaliang kailangang magsaya ng lahat dahil ligtas at "buong" na nakauwi ang ama at syempre kaya nagdidiwang at masaya ang lahat ay dahil tuwing uuwi ang ama ay may pasalubong ang ama, syempre masaya yun di ba? Tulad sa totoong buhay, lalo na noong bata pa tayo, kapag narinig mo na ang kotse na bumusina, bumukas ang gate at tumunog ang pinto nagkakandarapa ka nang salubungin si Mommy at Daddy para inspeksyunin ang kanilang mga dala dala at hanapin ang iyong pasalubong di ba? (Hindi ako yan ah!) Minsan malungkot kasi walang pasalubong pero ayus lang andyan naman si Mommy at Daddy di ba? (wushu!)
Balik sa istorya, naguwi ang ama ng mga "mats" o sleeping mats na ipinagawa nya sa isang mahusay na manghahabi para sa lahat ngunit may kondisyon ang ama na dapat makamit muna ng kanyang mga anak ang kanilang mithiin at makatapos sa pag-aaral bago nila magamit ang kani-kanilang mga mats. Pinakikita sa pangyayaring ito na napakaimportante para sa isang magulang ang pagtatapos ng isang anak sa kanyang pag-aaral. Para sa isang magulang, ito na marahil ang pinakamahal na kayamanan na maibibigay ng magulang, di tulad ng pera na nauubos, di tulad ng mga ari-arian na nawawala, para sa kanila ang edukasyon ay parang mga pakpak na makakatulong para sa kanilang mga anak na abutin ang kanilang mga pangarap kahit na wala na sila.
Sa huling parte ng istorya, para sa akin ang pinakaimportanteng bahagi ng istorya, kasi matapos ibigay ng ama ang kaniyang pasalubong sa kanyang mga anak, nagtaka ang kanyang mga anak kung bakit may natira pang mga mat/sleeping mats na ikinagalit ng ama, dahil ang mga mats na natira ay para sa mga anak nyang yumao na. Para sa akin, nais ipahiwatig ng ama na kahit wala na hindi na nabubuhay ang kanyang mga anak na iyon para sa kanya, buhay pa din sila at di dapat sila kinalilimutan kahit na masakit alalahanin. Sa iba't ibang mga bagay din siguro, di lamang sa mga yumao, sa mga tao na may mga mabuting nagawa sa atin dati dapat alalahanin natin sila. Kaya di ako naniniwala sa kasabihang "past is past" eh. Tama nga talaga ang kasabihang, dapat lumingon ka sa pinanggalingan mo para makarating ka sa paroroonan mo.

No comments:
Post a Comment