Sunday, March 12, 2006

The Great Pretender /ho

Games

Ang istoryang ito ay tungkol sa isang mapagpanggap na babae na madalas tumawag sa isang lalake. Tuwing tatawag ang babae sa lalake ay gumagamit sya ng iba't ibang pangalan, boses at style ng pagsasalita. Ang dahilan ng pagpapanggap ng babae ay dahil sa hindi sya siguro ang tipo ng babaeng magugustuhan ng lalakeng kanyang tinatawagan kaya lagi syang nagpapanggap bilang isang babaeng matitipuhan ng isang lalake.

Kung iisipin natin hindi lamang sa mga babae natin ito maaring, maikumpara. Maari din sa mga lalake, dahil di natin maikakait na minsan ninanais tayong maging, pero kasamaangpalad ay hindi tayo naging ganoon. Para sa akin hindi maganda ang magpanggap, para sa akin napakahirap magpanggap dahil una sa lahat niloloko mo ang mga kapwa mo dahil sa umaasa sila na ganoon ka talaga at pangalawa niloloko mo na din ang sarili mo, dahil sa nabubuhay ka na nagpapanggap at hindi ka na totoo sa sarili mo.

Kung ako yung babae, magpapakatotoo ako. Kung ano talaga ako, yun ako kapag nakita ako ng natitipuhan kong lalake. Tsaka pwede ko naman sigurong akong gumawa ng paraan para magustuhan ako di ba? Bakit magpapanggap ka pa?

No comments: