
Ito na siguro ang pinakamagandang pinoy movie na napanood ko. Tama si Ms. Diane di talaga nakakasawang panoorin ang La Visa Loca, kahit na dalawang beses ko na napanood ang La Visa Loca, enjoy na enjoy pa din ako sa katatawa! Ang akala ko dati eh katulad ito ng mga typical na pinoy movies na pare-pareho ang flow ng story. Usually kasi kapag pinoy movie, madalas mababaw ang tema ng story yung tipong parang wala lng, tulad ng isang pamilya na lahat na lang ata ng problema ay nagkaroon sila, madalas yung style na yung bida sa una ay mahirap biglang yayaman tapos madalas para makakuha ng mga manonood eh, syempre di mawawala ang walang kakupas-kupas na bed scene at iba pa. Pero, sa movie na ito iba, pinakikita sa movie na ito ang ugaling pinoy sa isang malikhain at nakakatawang paraan na pwede nating sabihin na hindi corny at makaka-relate ang bawat pinoy. Madalas kasi kapag tungkol sa pagiging pinoy ang isang movie eh, panay daldal ang narrator hanggang sa makatulog na ang nanonood.
Tungkol nga pala kay jess husson ang movie na La Visa Loca, si jess isang taxi driver na matagal nang naghahangad na magkaroon ng "visa" para makasama nya ang kanyang girlfriend na nasa Florida at maging isang nursing aid. Ngunit, sa unang subon nya sapagkuha ng visa eh nimalas sya. Para sa akin, si jess husson (robin padilla) ay parang ang mga pilipino na nagnanais makapunta sa amerika. Imbis na gumamit ang director ng maraming tao para ipahiwatig ang kanyang mensahe, nag-focus sya kay jess na isang tipikal na pinoy.

Nakakatuwa din isipin, at nakakapagtaka bakit hindi natin naisip ang mga sinabi ng tatay ni jess na si mang sancho sa pagtawag nya sa radyo. Parang ganito and sabi ni mang sancho, bakit kapag english ang salita eh ayos lang banggitin dito sa radyotulad ng "vagina","penis"... atbp pero kapag yung katumbas na salita ng mga salitang iyon sa language natin eh parang masama kapag binabanggit tulad ng "pekpek","tite". (Walang bastos dito!) Grabe tawa ako ng tawa noong sa part ng movie na ito. Perokung iisipin mo, bakit nga ba parang masama at ikinahihiya natin kapag ganun?
Para sa akin ang pinakanakakatawang part talaga ng movie eh yung parteng may Justice! Justice! Grabe! Tawang tawa talaga ako! Maganda ang paraan ng director para ipakita ang pagganti ni Boss Nigel sa magnanakaw! Imbis na yung bugbog sarado na parang napaka-violent eh dinaan na lng sa simple pero makulit at nakakatawang pagsuntok ni boss nigel sa magnanakaw habang sinisigaw ang salitang JUSTICE! Marami ding makukulit na parte sa movie tulad ng advertising ng pop-cola, smart padala, robinson, atbp… May Malabo ding parte eh kaya medyo di nakakatawa yung pagihi ni jess at yung anak ni mara, parang ang tagal naman ng pagihi ni jess! Haha pero ok lng yun! Di naman nakasama yun sa daloy ng story.
Para sa akin maganda at iba iba ang mensahe ng movie na La Visa Loca, isa na sa nais ipahiwatig ng movie na ito eh dapat maging proud tayo na pinoy tayo di tulad ng nanay ni jess na panay ang tawag sa mga pinoy na “ischupid”. Haha! Isa pang mensahe ng movie ay ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kanilang mga nimamahal dahil sa movie imbis na tumuloy si jess sa pagpunta sa Florida para maging nursing aid, mas pinili nyang huwag iwanan ang kanyang pamilya. Dapat nating ipagmalaki ang ganitong ugali, dahil sa ibang bansa eh basta basta na lang iniiwan ng mga anak ang kanilang mga magulang. Isa pang mensahe ay na dapat maging matiyaga ka para makuha mo ang isang bagay. Sa movie, nagpapako sa krus si jess para lang magkaroon siya ng visa. Kung may tyaga nga naman eh may nilaga.
Para sa akin ang storyang ito ay pwede mo ding itulad sa “The Mats”, sa the mats inaalala pa din ng ama ang mga yumao nyang anak kahit na pinpilit sya ng kanya asawa na wag nang alalahanin pa ang nakaraan parang sa La Visa Loca din yung sinabi ni mang sancho sa radio ulit, na may mga bagay sa mundo na nalalaman mong mahalaga kapag wala na sila. Nakakalungkot isipin, pero totoo di ba?
Masaya, nakakatawa, puro kalokohan pero kahit na ganoong ang La Visa Loca eh maraming magandang aral na napupulot ang mga manonood!
No comments:
Post a Comment