Wednesday, April 26, 2006

Prepaid Electricity

FACT YATA DI KO SURE: may prepaid electricity yata sa africa...

Naisip ko lang, sa panahon ngayon, talagang kailangang magtipid, magsipag at kailangang maging masinop tayo sa kung anong meron tayo. Kaya siguro nauso ang mga prepaid cards eh, kasi isang effective na paraan ito para makatipid ang mga pilipino. Hindi tulad ng plan na wala kang limitasyon, kaya mas malaki ang binabayaran mo di ba?

Pero naisip ko since madami na din ang prepaid tulad ng internet, online games, at telepono bakit kaya hindi pa din prepaid ang kuryente para may limitasyon tayo sa pag-gamit ng kuryente? Isipin mo nakabudget ang pag-gamit mo ng aircon panonood ng tv, atbp... e di syempre malamang e di makakatipid ka nga! hehehe...




card by : dwek
Note : hindi ito totoo! "Fiction"

Denominations :

P1000 = 6 days
P2500 = 12 days
P5000 = hmm.. 18 days?
P7500 = 24 days?
P10000 = 1 month wahaha!

*basta! di ko maisip kung magkano eh...

Conditions :

Kapag gumagamit ka ng kuryente tsaka lng nababawasan yung oras ng prepaid mo..


Di naman ako nagsa-suggest na magkaroon ng prepaid, iniisip ko lng kung magkakaroon ano kaya mga mangyayari kapag meron talaga nito sa pinas?

Situation No. 1

Nanay : "oh anak, heto 1k pambili ng prepaid na kuryente mo para sa isang buwan ha! Tipirin mo yan dahil magbabayad ka pa ng pang tuition mo at para makabawas-bawas tayo ng gastos.."
Anak : "Salamat po nanay bihira naman po ako manood ng tv dito sa dorm eh kasya na po ito"

Sitution No. 2

Lalake : "Naku konti na pala ng load ang kuryente namin, teka... makabili nga!"
(pumunta sa tindahan...)
Lalake : "Pabili nga po ng P2500 na prepaid card na kuryente..."
Tindera : "Naku, wala na kaming P2500 na prepaid card"
Lalake : "Patay mauubusan na ako ng kuryente! @#$%!"

Situation No. 3

Cellphone : "toot toot"
Daddy : "Ui may nagtext!"
Cellphone : "Hun, bili ka na ng kuryente di ako nakabili ubos na yung pinagbibilhan ko Ű love you! ingat! from : honey"
Daddy : "k! Ű "

Situation No. 4

Lalake : (nanonood ng tv) "wahahahah! wahahaha! bwahahahha!"

(after 5 mins nagbrownout...)

Lalake : "***** ina! walang kwenta kung kailan ako nag-eenjoy manood eh **** talaga! MANANG BUMILI KA NGA NG KURYENTE!"

Manang : "Sige po sir!"

----------------------------------------------------------------------------------------------

Madami pang posibleng situation eh dagdag ko na lng kapag may naisip ako kayo baka may naiisip kayo sabihin nyo sa akin hahaha!

1 comment:

JP Loh said...

Siguro masmaganda kung yung denominations ng cards ay by kilowatt hours. Parang lugi yung P1000=6 days. Masmaganda sana kung P500=30kWh yung starting rate (hula ko lang).